Ads by Nuffnang

Sunday, April 4, 2010

Pinay

Dalagang nakatingin,
Pangiti-ngiti sa salamin.
Mga mata'y kumikislap
Tila mga bituin.

Hinaplos ng suklay
Ang buhok niyang mahaba.
Itim, alun-alon
Taglay niyang korona

Hindi dinampian
Ng kolerete ang mukha
Pagka't kayumangging kutis
Ay hindi naman maputla.

Mga matang hindi singkit,
Hindi rin malalaki.
Tama lamang upang ipahayag
Mga saloobing hindi masabi.

Ilong, di man matangos,
Di man kanluranin
Kaya namang samyuin
Bango ng bulaklak sa hardin.

Mga labing natural
Ang pagiging rosas
Kapag pumorma ng ngiti
Pagod ninuma'y mapapawi.

Ganda ng dalagang
Mula sa Perlas ng Silangan
Hindi mahihigitan,
Angat kahit saan man.

-Katherine Lopez
Oktubre 2007

No comments:

Post a Comment