Ads by Nuffnang

Friday, January 28, 2011

Officemate

May mga araw na
hindi tayo nagkikita
kahit ba tayo’y nasa
iisang palapag lamang
at ilang dipa ang layo
sa isa’t isa.

May mga gabing
hindi tayo nagkakasabay
sa paglisan sa gusaling
siyang pandayang
pinagbubuhusan ng talento
sa buong maghapon.

May mga sandaling
tayo ay nagkakalayo,
magkabilang dako,
at tanging tinig lamang
ng pangungulila
ang naglalapit sa atin.

Ngunit ako’y napapanatag
sa tuwing naiisip kong
nariyan ka lamang
sa tabi-tabi,
at makikita ulit kita bukas
sa ating opisina.


-Katherine Lopez
27 Enero 2011

2 comments:

  1. Hi Zyra! Hehe enjoy kasi ako sa pagtula-tula kasi parang ang dami mong nasasabi in such a few words. :D

    Nice seeing you here! Salamat sa pagbisita. :)

    ReplyDelete