Ads by Nuffnang

Sunday, April 4, 2010

Bagyo

Umiihip ang hanging pagkalakas-lakas,
Pagkalamig-lamig.
Wari’y katapusan na ng daigdig.

Tila talon kung bumuhos ang ulan.
Kay lupit ng bagsak.
Bubong nami’y tila mawawasak.

Lalong pinadilim ng bagyo
Ang madilim na gabi.
Buwan at bituin, sadyang naikukubli.

Pati mga daga, aso
At pusang gala,
Tahimik na nagtatago sa kanilang lungga.

Sa bintana, ako’y nakadungaw.
Sa aking bahay, ako’y preso
Dahil sa masungit at mabagsik na bagyo.

-Katherine Lopez
24 Hulyo 2006

No comments:

Post a Comment